MAHALAGA: Kung nakatira ka sa India, narito ang mga tuntunin ng serbisyo ng Google Pay na angkop sa iyo. Kung nakatira ka sa United States, narito ang mga tuntunin ng serbisyo ng Google Pay na angkop sa iyo.
Huling binago: Nobyembre 18, 2025
1. Panimula
Napapailalim ang Google Pay sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google ('Google ToS') at isa itong 'Serbisyo' gaya ng tinukoy sa Google ToS. Mga karagdagang tuntuning umiiral sa paggamit ng Google Pay ang sumusunod na Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Pay. Napapailalim sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Pay na ito ang paggamit mo ng Google Pay at sa Google ToS (kung saan, para sa mga layunin ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Pay na ito, tinutukoy namin bilang 'Mga Tuntunin'). Inilalarawan ng Paunawa sa Privacy ng Google Payments kung paano pinapangasiwaan ng Google ang impormasyon sa mga pagbabayad.
Kung may anumang kontrahan sa pagitan ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Pay at Google ToS, mangingibabaw ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Pay. Kung mayroong anumang kontrahan sa pagitan ng English na bersyon ng Mga Tuntunin at ng isang bersyon na na-translate sa ibang wika, ang English na text ang mananaig.
Dating may tatak na 'Android Pay' ang ilang partikular na feature ng Google Pay. Bagama't puwede kang patuloy na makakita ng mga legacy na reference sa Android Pay sa mga shop, sa mga app o sa mga website, napapailalim sa Mga Tuntuning ito ang mga feature na iyon.
Nire-require sa paggamit mo ng Google Pay na sumang-ayon ka sa mga sumusunod na tuntunin. Maingat na basahin ang mga ito. Posibleng hindi available ang ilang produkto at feature sa lahat ng bansa. Pakitingnan ang Help Center ng Google Pay para sa higit pang impormasyon.
2. Mga pangunahing requirement
Sa pagsang-ayon sa Mga Tuntunin, pinaninindigan mo na ikaw ay:
Hindi bababa sa edad na tinukoy dito; at
may kakayahang pumasok sa isang legal na umiiral na kasunduan sa Google.
Kakailanganin mo rin ng Google Account; isang device na nakakatugon sa sistema ng Serbisyo at mga requirement sa compatibility, na puwedeng magbago paminsan-minsan; gumaganang access sa Internet; at compatible na software. Puwedeng maapektuhan ng mga bagay na ito ang kakayahan mong gumamit ng Google Pay, at ang performance ng Google Pay. Responsibilidad mo ang naturang mga requirement sa system.
Kung wala ka pa sa nire-require na edad para mapamahalaan ang sarili mong Google Account, dapat may pahintulot ka ng iyong magulang o legal na tagapag-alaga na gamitin ang Serbisyo. Ipabasa ang mga tuntuning ito sa iyong magulang o legal na tagapag-alaga na kasama ka.
Kung isa kang magulang o legal na tagapag-alaga, at pinapayagan mo ang iyong anak na gamitin ang Serbisyo, umaangkop sa iyo ang Mga Tuntuning ito at responsable ka sa aktibidad ng iyong anak sa Serbisyo, kabilang ang anumang transaksyong ginawa ng iyong anak gamit ang Serbisyo. Pinaninindigan mo rin na ang iyong anak ang cardholder o isang awtorisadong user ng anumang Paraan ng Pagbabayad na naka-save sa Google Account ng iyong anak.
3. Pangkalahatang paglalarawan ng Google Pay
Hinahayaan ka ng Google Pay na i-save ang mga sumusunod sa iyong Google Account, pamahalaan ang mga ito sa isang lugar at makipagtransaksyon sa Google at mga third party gamit ang mga ito:
Mga credit card, debit card at iba pang uri ng mga paraan ng pagbabayad na magagamit mo para magbayad sa mga shop, sa mga app, sa web at sa iba pang paraan.
4. Mga paraan ng pagbabayad
(a) Mga uri ng paraan ng pagbabayad
Sa Google Pay, puwede mong i-save at pamahalaan ang iba't ibang uri ng mga paraan ng pagbabayad sa iyong Google Account (sama-sama, 'Mga Paraan ng Pagbabayad'), kabilang ang:
Mga card sa pagbabayad gaya ng credit, debit at prepaid card ('Mga Card sa Pagbabayad')
Mga virtual account number na ibinigay ng bangko o virtual card number na kumakatawan sa iyong mga Payment Card ('Mga Numero ng Virtual Card' o 'Mga Virtual Account Number')
Mga bank account
Mga account sa pagsingil ng operator
Mga digital wallet o account na mayroon ka sa mga kumpanya bukod pa sa Google ('Mga Naka-link na Third-Party Account')
Puwedeng depende sa bansang tinitirhan mo at sa iba pang bagay ang availability ng ibinigay na Paraan ng Pagbabayad o ang pagiging compatible nito sa Google Pay. Ang mga compatible na uri ng Paraan ng Pagbabayad, pati rin ang mga ginagamit na Paraan ng Pagbabayad at mga feature ng Google Pay na inilalarawan sa ibaba ay posibleng hindi available sa lahat ng lugar, at puwedeng magbago anumang oras.
(b) Pag-save ng Paraan ng Pagbabayad
Puwede kang makapag-save ng Paraan ng Pagbabayad sa iyong Google Account sa iba't ibang interface ng user, kabilang ang Google Pay app o website, ang Google Chrome browser, ang app o website ng nag-isyu ng Paraan ng Pagbabayad o sa pamamagitan ng isang produkto o serbisyo ng Google gaya ng Google Play Store. Para makapag-save ng Paraan ng Pagbabayad, dapat mong kumpletuhin ang lahat ng nire-require na impormasyon sa anumang form sa pagpaparehistro na ipinakita sa iyo. Dapat na napapanahon, kumpleto at tumpak ang impormasyong ibibigay mo, at dapat mong panatilihin ito nang ganoon. Puwede ka naming i-require na magbigay ng karagdagang impormasyon bilang kundisyon ng patuloy na paggamit ng Google Pay, o para tulungan kaming matukoy kung papayagan kang magpatuloy sa paggamit ng Google Pay.
Kapag nag-save ka ng Paraan ng Pagbabayad, puwedeng mag-store ang Google ng impormasyong kaugnay ng Paraan ng Pagbabayad, gaya ng pangalan at billing address. Binibigyang-daan ka rin ng Google Pay na mag-save ng iba pang impormasyon sa iyong Google Account na makakatulong sa pagpapabilis ng mga transaksyon, gaya ng address sa paghahatid.
Pinahihintulutan mo kaming kumpirmahin na maganda ang status ng Paraan ng Pagbabayad mo sa provider nito, kasama ang, pero hindi limitado sa, sa pamamagitan ng pagsusumite ng kahilingan para sa isang awtorisasyon sa pagbabayad at/o mababang halaga ng credit at/o debit sa Paraan ng Pagbabayad, alinsunod sa mga panuntunan sa network o iba pang mga requirement na naaangkop sa Paraan ng Pagbabayad.
Sumasang-ayon ka na para sa personal na paggamit mo ang Google Pay, gamit ang sarili mong Mga Paraan ng Pagbabayad. Kung gumagamit ka ng Google Pay gamit ang isang karapat-dapat na corporate card, sumasang-ayon ka na ginagawa mo ito nang may pahintulot ng iyong employer at may kakayahang isailalim ang iyong employer sa Mga Tuntuning ito.
(c) Tungkulin ng Google
Maliban kung saan ang Google o ang affiliate nito ang nag-isyu, hindi ang Google o ang mga affiliate nito ang partido sa mga kasunduan sa cardholder, patakaran sa privacy o iba pang tuntunin ng paggamit ng Mga Paraan ng Pagbabayad mo. Wala sa Mga Tuntuning ito ang nagbabago sa alinmang mga tuntunin ng nagbigay. Sakaling magkaroon ng anumang inconsistency sa pagitan ng Mga Tuntuning ito at sa mga tuntunin o patakaran sa privacy ng nag-isyu sa iyo, pamamahalaan ng Mga Tuntuning ito ang ugnayan sa pagitan mo at ng Google kaugnay ng Google Pay, at pamamahalaan ng mga tuntunin ng nag-isyu sa iyo ang ugnayan sa pagitan mo at ng nag-isyu. Hindi gumagawa ang Google ng anumang representasyon o nagbe-verify na maganda ang status ng alinman sa iyong Mga Instrumento sa Pagbabayad o na ang nag-isyu ng iyong Instrumento sa Pagbabayad ay mag-aawtorisa o mag-aapruba ng anumang transaksyon sa isang merchant kapag ginamit mo ang Google Pay para sa transaksyong iyon.
Maliban kung saan ang Google o ang affiliate nito ang nag-isyu, hindi kasangkot ang Google o ang mga affiliate nito sa pag-isyu ng credit o pagtukoy ng pagiging kwalipikado para sa credit, at wala rin silang kontrol sa: availability o katumpakan ng Mga Paraan ng Pagbabayad o pondo; ang pagbibigay (o pagdaragdag) ng Mga Paraan ng Pagbabayad sa Google Pay, o pagdaragdag ng pondo sa mga balanse sa Paraan ng Pagbabayad. Para sa anumang alalahanin na kaugnay ng nabanggit, makipag-ugnayan sa nag-isyu ng iyong Paraan ng Pagbabayad.
(d) Pag-save ng Numero ng Virtual Card o Naka-link na Third-Party Account
Umiiral ang mga sumusunod na karagdagang tuntunin kapag gumagamit ng Google Pay para mag-save ng Numero ng Virtual Card o Naka-link na Third-Party Account.
Pagkatapos mong magsimulang magdagdag ng Instrumento sa Pagbabayad sa Google Pay at ibigay ang impormasyong hiniling ng Google at/o ng nag-isyu ng Paraan ng Pagbabayad mo, titingnan ng Google Pay kung kwalipikado ang Paraan ng Pagbabayad na gamitin sa Google Pay. Posibleng hindi kwalipikado ang lahat ng Paraan ng Pagbabayad ng kalahok na nag-isyu. Kung sinusuportahan ng nag-isyu ng iyong Paraan ng Pagbabayad ang Google Pay at kwalipikado ang iyong Paraan ng Pagbabayad, kapag idinagdag ito, puwede kang makakita ng screen na humihiling sa iyong tanggapin ang mga tuntunin at kundisyon ng nagbigay. Kapag nagawa mo na ito at matagumpay na naidagdag ang Paraan ng Pagbabayad, magso-store ang Google Pay ng Numero ng Virtual Card na kumakatawan sa aktuwal na numero ng card ng iyong card sa pagbabayad, o iuugnay ang iyong Naka-link na Third-Party Account sa iyong Google Account, para magamit gaya ng inilalarawan sa Seksyon 5 sa ibaba.
Ang mga Numero ng Virtual Card na inirehistro mo gamit ang Google Pay ay naiiba sa anumang kaugnay na Card sa Pagbabayad na ise-save mo sa iyong Google Account. Hindi gaya ng Numero ng Virtual Card Number, karaniwang hindi ipapakita sa iyo ang isang Card sa Pagbabayad na may card art na kahawig ng kaugnay na pisikal na card, at hindi magagamit para sa mga in-store na Near-Field Communication ('NFC') na transaksyon. Gayunman, kapag nagparehistro ka ng Numero ng Virtual Card Number, puwede ring i-save ng Google Pay ang kaugnay na Card sa Pagbabayad sa iyong Google Account.
Tinatanggap mo na puwedeng makatanggap ng impormasyon ng transaksyon ang Google Pay mula sa nagbigay ng iyong Paraan ng Pagbabayad para maipakita ang mga detalye ng transaksyong may mahusay na format at ang kamakailan mong history ng transaksyon sa Google Pay.
Puwedeng alisin sa Google Pay ang isang Paraan ng Pagbabayad sa isang partikular na device at maging hindi magagamit sa Serbisyo kung: (i) ide-delete mo ang Paraan ng Pagbabayad mula sa Google Pay; (ii) ide-delete mo ang Paraan ng Pagbabayad sa iyong Google Account; (iii) burahin mo ang iyong mobile device gamit ang Android Device Manager; (iv) ide-delete mo ang iyong Google Account; (v) nabigo ang iyong mobile device na kumonekta sa anumang produkto o serbisyo ng Google sa loob ng 90 magkakasunod na araw; (vi) hindi mo ginagamit ang
Google Pay sa device sa loob ng 12 magkakasunod na buwan; at/o (vii) ang nag-isyu ng iyong Paraan ng Pagbabayad o inatasan ng network ng pagbabayad ang Google na alisin ang Paraan ng Pagbabayad sa Google Pay.
5. Pakikipag-transaksyon gamit ang Mga Paraan ng Pagbabayad
(a) Sa mga property ng Google
Puwede kang payagan ng Google Pay na magsimula ng transaksyon sa pagbabayad sa isang 'Nagbebenta', na tinukoy bilang (i) isang kumpanya ng Google group o (ii) anumang iba pang nagbebenta na nakikilahok sa isa o higit pang mga marketplace ng Google (gaya ng nakalista rito) na nag-aalok ng mga merchandise, mga kalakal o serbisyo para sa pagbebenta sa iyo, at nagre-request sa Google o sa mga kaakibat nito na iproseso ang mga transaksyon sa pagbabayad sa ngalan nito.
Kinikilala at sinasang-ayunan mo na ang iyong transaksyon sa isang Nagbebenta (isang 'Transaksyon sa Google') ay sa pagitan mo lang at ng Nagbebenta. Ang Google at ang mga affiliate nito ay hindi partido sa iyong mga Transaksyon sa Google at sa mga kaugnay na pagbili, at hindi rin sila bumibili o nagbebenta kaugnay ng anumang Transaksyon sa Google, maliban kung hayagang itinalaga bilang ganoon (halimbawa, sa listahan o paglalarawan ng kaugnay na merchandise, produkto o serbisyo sa isang website o interface na pinatatakbo ng Google).
Kapag nagpasimula ka ng Transaksyon sa Google, puwedeng ipakita sa iyo ng Google ang available mong Mga Paraan ng Pagbabayad sa oras ng transaksyon. Pagkatapos mong piliin ang Paraan ng Pagbabayad na gusto mong gamitin, puwedeng singilin ng Google ang Paraan ng Pagbabayad na iyon, o kung hindi, i-share ang Paraan ng Pagbabayad at mga kaugnay na detalye sa isa sa mga affiliate nito, na magpoproseso ng transaksyon sa ngalan ng Nagbebenta. Pinahihintulutan mo ang pagsingil o pag-debit sa iyong Paraan ng Pagbabayad kung kinakailangan para makumpleto ang pagproseso ng Transaksyon sa Google. Pinahihintulutan mo rin ang anumang pag-credit sa iyong Paraan ng Pagbabayad kaugnay ng mga pag-reverse, pag-refund, o pag-adjust na kaugnay ng isang Transaksyon sa Google.
Para sa mga detalye o tuntuning kaugnay ng isang partikular na Transaksyon sa Google, kabilang ang mga patakaran sa pag-refund o paglutas sa di-pagkakasundo, sumangguni sa mga tuntunin ng serbisyo, help center o iba pang suportang materyal na ibinigay ng Nagbebentang nakatransaksyon mo.
Kung may problema sa pagsingil sa napili mong Paraan ng Pagbabayad, puwedeng singilin ng Google ang anumang iba pang valid na Paraan ng Pagbabayad na na-save mo sa Google Pay. Bisitahin ang website ng Google Pay, Google Pay app o mga setting ng Google sa iyong Android device para mapamahalaan ang iyong mga opsyon sa pagbabayad. Sumasang-ayon ka rin na puwedeng magsumite muli ng Transaksyon sa Google ang isang Nagbebenta para sa isang pagbili sa network ng pagbabayad para sa pagproseso ng isa o higit pang beses kung sakaling tinanggihan o ibinalik ng network ng pagbabayad ang isang naunang Transaksyon sa Google. Puwedeng ipagpaliban ng Google ang pagpoproseso ng pagbabayad ng mga kahina-hinalang transaksyon o transaksyon na posibleng may panloloko, maling asal, o paglabag sa naaangkop na batas, Mga Tuntunin, o iba pang naaangkop na mga patakaran ng Google, gaya ng natukoy sa nag-iisa at ganap na pagpapasya ng Google.
Kung nag-aalok sa iyo ng kakayahang magbayad para sa mga subscription ang isang Nagbebenta, magsisimula ang iyong subscription kapag na-click mo ang 'tanggapin at bilhin' (o katumbas na parirala) sa isang pagbili ng subscription. Umuulit na transaksyon sa pagsingil ito. Maliban kung iba ang nakasaad, ang iyong subscription at ang kaugnay na awtorisasyon sa pagsingil ay walang katapusang magpapatuloy hanggang sa kanselahin mo. Sa pag-click sa 'tanggapin at bilhin' (o katumbas), pinahihintulutan mo ang Nagbebenta na singilin ang napili mong Paraan ng Pagbabayad sa bawat itinalagang panahon ng pagsingil para sa subscription. Puwedeng baguhin ng Nagbebenta ang halaga ng Transaksyon sa Google sa panahon ng subscription. Hindi magiging epektibo ang pagkansela ng isang subscription hanggang sa katapusan ng kasalukuyang panahon ng pagsingil. Hindi ka makakatanggap ng refund para sa kasalukuyang panahon ng pagsingil at patuloy na maa-access ang kaugnay na subscription para sa natitirang bahagi ng kasalukuyang panahon ng pagsingil.
(b) Sa mga third party
Kapag nagsimula ka ng transaksyon sa pagbabayad gamit ang Google Pay sa anumang partido maliban sa isang Nagbebenta (ang nasabing partido ay isang 'Third Party' at ang naturang transaksyon ay isang 'Third-Party na Transaksyon'), puwedeng ipasa ng Google ang mga detalye ng iyong Paraan ng Pagbabayad at kaugnay na impormasyon sa Third Party para masingil nito ang Paraan ng Pagbabayad mo. Depende sa katangian ng Third Party, puwedeng para sa pagbili ng mga kalakal o serbisyo ang isang Third-Party na Transaksyon, o para sa iba pang layunin, gaya ng mga donasyon o regalo para sa kawanggawa. Puwedeng magsimula ng isang Third-Party na Transaksyon kapag ikaw ay: gumamit ng tap-and-pay sa mga shop gamit ang NFC, barcode o iba pang contactless na teknolohiya; piliin ang 'Google Pay' o 'Bumili gamit ang Google Pay' bilang opsyon sa pagbabayad sa isang online na transaksyon sa website o app ng Third Party; o makipagtransaksyon sa Third Party sa pamamagitan ng ibang online interface, tulad sa pamamagitan ng Google Assistant. Kapag nagsimula ka ng online na transaksyon, puwede ring mag-share ng iba pang impormasyon ang Google Pay, gaya ng pagsingil, paghahatid o email address na naka-save sa iyong Google Account, kung saan may kaugnayan sa pagkumpleto ng transaksyon.
Sa isang Third-Party na Transaksyon, pagkatapos maipasa ang Paraan ng Pagbabayad at iba pang detalye sa Third Party, hindi na magkakaroon ng karagdagang pakikilahok ang Google sa transaksyon, at kinikilala at sinasang-ayunan mo na tanging sa pagitan mo at ng Third Party ang naturang transaksyon at hindi sa Google o alinman sa mga affiliate nito. Dapat kang direktang makipag-ugnayan sa Third Party o sa provider ng Paraan ng Pagbabayad mo (halimbawa, ang nagbigay ng iyong Payment Card) tungkol sa anumang isyu sa mga Third-Party na Transaksyon, kabilang ang mga refund at pag-dispute.
Kapag bumisita ka sa isang kalahok na website o app ng Third Party, puwedeng ihayag ng Google sa Third Party kung na-set up mo o walang Google Pay sa iyong device kung ire-request ng third party para malaman ng Third Party kung iaalok sa iyo ang Google Pay bilang opsyon sa pagbabayad. Gayunman, puwede mo pa ring makita ang opsyon sa pagbabayad ng Google Pay sa website o app ng Third Party kung inaalok ng Third Party ang Google Pay bilang opsyon sa pagbabayad sa lahat ng user. Puwede kang mag-opt out sa paghahayag na ito ng Google sa mga setting ng privacy ng Google Pay. Puwedeng maapektuhan ng pag-opt out ang kakayahan mong gamitin ang Google Pay sa ilang partikular na merchant. Kung wala ka pa sa nire-require na edad para mapamahalaan ang sarili mong Google Account, hindi ito umaangkop sa iyo at hindi ihahayag ng Google ang iyong impormasyon para sa layuning ito.
(c) Bilang bahagi ng Chrome o Android AutoFill
Kung na-enable mo ang feature na 'AutoFill' sa browser ng Google Chrome o sa iyong Android device, puwede ring ipakita sa iyo ng Google Pay ang opsyon na awtomatikong punan ang iyong naka-save na Paraan ng Pagbabayad at impormasyon ng address sa form ng pagbabayad ng isang Third-Party na website sa Chrome browser, o sa form ng pagbabayad ng isang Third-Party na app sa isang Android device. (Para sa higit pang impormasyon sa kung paano gumagana ang AutoFill sa Google Pay, kumonsulta sa Chrome Help Center). Kapag ginamit mo ang feature na ito, hindi nakikipag-ugnayan ang Google sa Third-Party na website o app, at kinukumpleto lang nito ang iyong request na awtomatikong punan ang ilang partikular na napiling impormasyon sa isang form ng Third-Party. Walang pakikilahok ang Google sa anumang transaksyon na kinumpleto mo gamit ang Chrome o Android AutoFill, at kinikilala at sinasang-ayunan mo na ang naturang transaksyon ay sa pagitan mo at ng Third Party at hindi sa Google o sa mga affiliate nito. Dapat direkta kang makipag-ugnayan sa Third Party o sa nag-isyu ng Paraan ng Pagbabayad hinggil sa anumang isyu sa isang transaksyon kung saan ginamit mo ang Chrome o Android AutoFill.