Gabay sa privacy ng Google Payments para sa mga bata
Piliin ang iyong edad: Edad 6-8 Edad 9-12
Edad 6-8
Gusto mo bang malaman kung paano pinapanatiling ligtas ng Google ang mga item mo sa Google Payments?
Para sa mga bata ang page na ito! Sinasagot nito ang mga tanong tulad ng kung paano ginagamit ng Google ang iyong impormasyon para sa Google Payments at pinapanatili itong ligtas.
Para sa mga magulang: Umaangkop lang ang impormasyong ito sa Mga Google Account na pinamamahalaan ng Family Link, para sa mga batang wala pang 13 (o naaangkop na edad sa iyong bansa). Para sa higit pang detalye, tingnan ang aming Paunawa sa Privacy at Patakaran sa Privacy.
Anong impormasyon ba ang kailangan ng Google?
Dagdag pa sa mga bagay na kinokolekta ng Google para sa lahat ng produkto, kailangan din namin ng ilang pangunahing impormasyon mula sa iyo para gumana nang maayos ang Google Payments.
Impormasyon sa pag-sign up
- Address at numero ng telepono mo
- Kaarawan mo
- Impormasyon tungkol sa iyong credit o debit card
- Impormasyon para makumpirma kung sino ka
Kung minsan, puwede kaming humingi ng kaunti pang impormasyon para makatulong na suriin kung ligtas at secure ang lahat.
Impormasyon mula sa iba pang lugar
- Impormasyon tungkol sa iyong mga pagbabayad sa mga store
- Impormasyon tungkol sa iyong bangko at credit o debit card
Impormasyon kapag may binili ka
- Kailan at kung saan mo ito binili at kung magkano ito
- Kung gumamit ka man ng credit card o debit card
Para saan ba ginagamit ng Google ang impormasyon ko?
Dagdag pa sa mga paraan kung paano ginagamit ng Google ang iyong impormasyon para sa lahat ng produkto, ginagamit din namin ang impormasyong ibibigay mo sa amin para makagawa ng mga bagay para sa Google Payments gaya ng:
- Tulungan na maging maayos ang pagpasok ng mga bayad mo
- Ipakita sa iyo at sa iyong mga magulang ang mga pagbabayad na iyong ginawa
- Tulungan ang iyong magulang kung kailangan mo ito
- Tumulong na panatilihing ligtas ang iyong impormasyon at pera mula sa masasamang tao
- Tiyaking sinusunod mo ang mga panuntunan ng Google Payments
- Magpasya kung ang iyong mga pagbabayad sa hinaharap ay ligtas na papasok
Sine-share ba ng Google ang impormasyon ko?
Dagdag pa sa mga paraan kung paano sine-share ng Google ang iyong impormasyon para sa lahat ng produkto, puwede rin naming i-share ang iyong impormasyon sa iba para gumana ang Google Payments. Narito ang ilang halimbawa:
- Kung sinasabi sa amin ng batas na puwede
- Para tumulong na mapanatiling gumagana at ligtas ang iyong account at mga pagbabayad
- Para matiyak na papasok ang iyong mga pagbabayad
Anong mga kontrol ba mayroon ang mga magulang ko?
Narito ang puwedeng gawin ng mga magulang mo:
- Magdagdag ng mga bagong card para sa iyo sa Google Payments
- Makatanggap ng mga email kapag ginamit mo ang iyong mga card, at kapag may inalis na card
- Tingnan ang mga pagbabayad mo at alisin ang mga card sa pagbabayad sa Family Link
Paano ba pinapanatiling ligtas ng Google ang impormasyon ko?
Sinisikap ng Google na tumulong na mapanatiling ligtas ang impormasyon mo. Makakatulong ka sa pamamagitan ng pagpapanatiling lihim ng iyong mga password at PIN.
Mahahalagang bagay na dapat tandaan:
- Mag-ingat kung kanino mo sine-share ang iyong account.
- Mag-ingat kung kanino mo pinapagamit ang iyong device.
- Kung sa tingin mo ay hindi na ligtas ang iyong Google Payments, sabihin sa iyong magulang.
Edad 9-12
Gusto mo bang malaman ang tungkol sa iyong privacy kapag gumagamit ka ng Google Payments?
Nakarating ka sa tamang lugar! Basahin ang mga pinakamadalas itanong ng mga bata, tulad ng kung paano namin ginagamit ang iyong impormasyon at paano kami tumutulong na mapanatili itong ligtas.
Mga magulang, umaangkop lang ang impormasyong ito sa mga Google Account na pinamamahalaan gamit ang Family Link, para sa mga batang wala pang 13 taong gulang (o naaangkop na edad sa iyong bansa). Para sa higit pang detalye, tingnan ang aming Paunawa sa Privacy at Patakaran sa Privacy.
Anong impormasyon ba ang kailangan ng Google?
Dagdag pa sa mga bagay na kinukuha ng Google para sa lahat ng produkto, posibleng kailanganin din naming humingi ng iba pang impormasyon para matiyak na gumagana ang Google Payments para sa iyo.
Impormasyon sa pag-sign up
Narito ang ilan sa mga impormasyong iso-store namin sa iyong Google Account. Puwedeng i-store ang ilang data sa iyong device.
- Address
- Numero ng telepono
- Petsa ng kapanganakan
- Impormasyon ng credit o debit card
- Impormasyon para makumpirma kung sino ka, gaya ng ID
Kung minsan, puwede naming hilingin sa iyo na magpadala sa amin ng higit pang impormasyon, o sagutin ang mga tanong para makatulong na i-verify ang iyong impormasyon o pagkakakilanlan.
Impormasyon mula sa iba pang lugar
Puwede kaming kumuha ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa iba pang lugar, gaya ng:
- Impormasyon mula sa iyong mga transaksyon sa Google Payments sa mga store
- Impormasyon tungkol sa kung paano mo ginagamit ang iyong mga paraan ng pagbabayad at mga account mula sa iba pang lugar na naka-link sa Google Payments
- Ang iyong bangko o tagabigay ng card
- Mga benepisyo mula sa iyong paraan ng pagbabayad
- Impormasyon tungkol sa iyong mga pagbabayad mula sa iba pang lugar, para makatulong na matiyak na mapagkakatiwalaan ang iyong account at mga pagbabayad
Impormasyon kapag may binili ka
Kapag ginamit mo ang Google Payments para bumili ng isang bagay, puwede kaming kumuha ng impormasyon tungkol sa transaksyon, gaya ng:
- Petsa, oras, at halaga
- Lokasyon at paglalarawan ng store
- Paano ka nagbayad
Para saan ba ginagamit ng Google ang impormasyon ko?
Dagdag pa sa mga paraan kung paano ginagamit ng Google ang iyong impormasyon para sa lahat ng produkto, ginagamit namin ang impormasyong ibinibigay mo sa amin para gawin ang mga bagay gaya ng:
- Hilingin sa isang tao na tulungan ang iyong magulang kung may mga problema sa iyong Google Payments (gaya ng customer service)
- Tumulong na panatilihing mas ligtas ka, ang iba, at ang mga bagay sa Google mula sa mga taong magtatangkang kunin ang iyong impormasyon, o gastusin ang iyong pera nang walang pahintulot mo
- Tulungan ang mga store o iba pang kumpanya na ibigay sa iyo ang hiniling mo sa kanila
- Tiyaking sinusunod mo ang mga panuntunan para sa Google Payments
- Magpasya tungkol sa iyong mga transaksyon sa Google Payments sa hinaharap
- Tiyaking alam mo ang tungkol sa iba pang magagandang bagay na ginagawa ng iyong paraan ng pagbabayad
Puwede naming panatilihin ang impormasyong ibibigay mo sa amin hangga't gumagamit ka ng Google Payments, at puwedeng mas matagal pa kung kailangan naming sundin ang batas.
Sine-share ba ng Google ang aking impormasyon?
Dagdag pa sa mga paraan kung paano sine-share ng Google ang iyong impormasyon para sa lahat ng produkto, may ilan lang na iba pang dahilan kung bakit puwede naming i-share ang iyong impormasyon sa ibang tao sa labas ng Google, gaya ng:
- Kung sinasabi sa amin ng batas na puwede
- Para manatiling tumatakbo ang iyong account, tiyaking papasok ang mga pagbili mo, pahusayin ang kaligtasan ng iyong account, protektahan ka mula sa isang taong nagtatangkang magnakaw o manlinlang sa iyo, o para sa aming araw-araw na negosyo
- Para makatulong na matiyak na ligtas at gumagana pa rin ang iyong paraan ng pagbabayad
- Para makumpleto ang ni-request mong pagpaparehistro para sa serbisyong ibinigay ng iba pang lugar
Pagmamay-ari o kinokontrol ng Google ang ilang iba pang kumpanya. Kung minsan sine-share namin ang iyong impormasyon sa kanila kung kailangan nila ito para sa kanilang araw-araw na negosyo. Kasama diyan ang anumang impormasyon na puwede naming makuha mula sa iba pang lugar, gaya ng mga store na binibilhan mo.
Anong mga kontrol ba mayroon ang mga magulang ko?
Ganito ang puwedeng gawin ng iyong magulang
- Magbigay ng in-person na pag-apruba para sa bawat idadagdag na card sa pagbabayad
- Makatanggap ng mga email kapag ginamit mo ang iyong mga card, at kapag may inalis na card
- Suriin ang iyong mga transaksyon sa Google Payments at alisin ang mga card sa pagbabayad sa Family Link
Paano ba pinapanatiling ligtas ng Google Pay ang impormasyon ko?
Maraming ginagawa ang Google para mapanatili kang ligtas, ngunit mahalagang panatilihin mong sikreto ang mga password, PIN, at iba pang mahalagang impormasyon ng iyong account.
Tandaan:
- Kung ise-share mo ang impormasyon ng iyong Google Account sa iba pang lugar, magkakaroon sila ng access sa iyong profile sa mga pagbabayad sa Google at sa iyong personal na impormasyon
- Mag-ingat kung kanino mo pinapa-access ang iyong device o ang iyong Google Wallet app
Kung sa tingin mo ay hindi na ligtas ang iyong Google Wallet app, magpatulong sa iyong magulang para ipaalam nila sa Google.
Huling na-update: Disyembre 10, 2025
© 2025 Google – Google Home Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Mga Nakaraang Paunawa sa Privacy