Kasunduan sa Pagpaparehistro ng Domain Name sa Google Domains

Huling binago: Enero 1, 2021

Ang Kasunduan sa Pagpaparehistro ng Domain Name na ito (ang "Kasunduan") ay ginawa at pinasok at sa pagitan mo, ang tao o entity na nagpaparehistro ng domain o mga domain sa pamamagitan ng Google, at ng Google, ang nagso-sponsor na registrar, o kumikilos bilang reseller para sa nagso-sponsor na registrar (“kami,” “amin,” “namin,” o “Registrar”). Nakasaad ang kahulugan ng "Google" sa https://cloud.google.com/terms/google-entity.

Sa Kasunduang ito, tumutukoy ang “iyo,” “mo,” at “Registrant” sa iyo o sinumang ahente, empleyado, o taong pinapahintulutang kumilos sa iyong ngalan, at sa nagparehistro na nakalista sa impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa WHOIS ng domain name.

May bisa ang Kasunduang ito simula sa petsa kung kailan mo na-click ang “Bilhin” o tinanggap ang Kasunduan (ang “Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa”). Isinasaad at pinatutunayan mong: (i) mayroon kang ganap na legal na awtoridad na magpailalim sa Kasunduang ito; (ii) nabasa at naunawaan mo ang Kasunduang ito; (iii) sumasang-ayon ka sa Kasunduang ito; (iv) nakuha mo at papanatilihin mo ang anumang kinakailangang pahintulot ng third party na kailangan sa ilalim ng Kasunduang ito; at (v) may awtoridad kang mag-apruba ng Pagbabago ng Nagparehistro. Kung wala kang legal na awtoridad, huwag mag-click para “Bilhin” o tanggapin ang Kasunduan. Napapailalim sa Kasunduang ito ang iyong access sa at paggamit ng Mga Serbisyo.

  1. MGA SERBISYO

    1. DomainMga Serbisyo ng Pagpaparehistro ng Domain Name. Ang Google LLC ay isang kinikilalang registrar sa Internet Corporation for Assigned Names and Numbers (“ICANN”) para sa Mga Top Level Domain Name (“TLD”). Napapailalim kami sa Kasunduan sa Pagkilala ng Registrar sa ICANN at isang karagdagang kasunduan sa nalalapat na Registry Operator para sa anumang TLD kung saan kami nag-aalok ng pagpaparehistro ng domain name. Ang aming mga pagpaparehistro ng domain name ay para lang sa mga limitadong termino, na nagtatapos sa (i) petsa ng pag-expire na sinabi sa iyo, sa ilalim ng mga patakaran ng Registry, o (ii) pagkansela mo o namin ng mga pagpaparehistro ng Nakarehistrong Pangalan. Walang bisa ang mga pagpaparehistro ng domain name hanggang ilagay ng Registry Operator ang domain sa database ng Registry.

    2. Pagiging Available ng Domain Name. Hindi namin ginagarantiya ang pagiging available ng isang domain name, kahit na isinasaad ng aming system na available ang domain name. Sumasang-ayon ka na hindi kami mananagot o responsable para sa anumang pagkakamali, pagiging hindi tumpak, pag-aalis, o anupamang pagkilos ng Registry na magmumula o nauugnay sa isang kahilingang iparehistro, i-renew, baguhin ang mga setting para sa, o ilipat ang isang pagpaparehistro ng domain name.

    3. Pagtanggap sa Pagpaparehistro. Puwede naming tanggapin o tanggihan ang iyong application para sa pagpaparehistro o pag-renew sa anumang dahilan sa sarili naming paghuhusga. Hindi kami mananagot o responsable para sa anumang pagkakamali, pag-aalis, o iba pang pagkilos ng third party na magmumula o nauugnay sa iyong application, pagpaparehistro, o pag-renew ng domain name.

    4. Account. Mayroon ka dapat Account para magamit ang Mga Serbisyo, at responsable ka para sa impormasyong ibinibigay para gawin ang Account, sa seguridad ng mga password para sa Account, at para sa anumang paggamit ng Account. Kung may malalaman kang anumang hindi pinapahintulutang paggamit ng Account o mga password para sa Account, aabisuhan mo ang Google sa lalong madaling panahon. Hindi kami responsable para sa anumang hindi pagsunod sa clause na ito, o para sa anumang pagkaantala sa pag-shut down ng iyong Account pagkatapos ng isang naiulat na paglabag ng seguridad sa Google. Kung madi-disable ang iyong Account, puwede rin naming i-disable ang iyong Google Domains Account, suspindihin ang Mga Serbisyo, i-block ang mga kahilingan ng paglilipat, o i-delete ang Mga Serbisyo.

    5. Mga Third Party na Serbisyo. Puwede kaming mag-alok ng ilang partikular na Third Party na Serbisyo (hal. mga serbisyong nagpaparehistro ng mga TLD kung saan hindi kami kinikilalang registrar, o mga serbisyong nagbibigay ng pribado o proxy na pagpaparehistro). Napapailalim ang Mga Third Party na Serbisyo sa hiwalay na mga tuntunin at kundisyon bilang karagdagan sa mga tuntunin at kundisyong nilalaman ng Kasunduang ito. Kung sakaling may salungatan sa pagitan ng naturang mga tuntunin at kundisyon ng Mga Third Party na Serbisyo at ng Kasunduang ito, mananaig ang mga tuntunin at kundisyon ng Kasunduang ito.

    6. Iba pang Serbisyo ng Google. Kami ay puwedeng mag-alok ng iba pang Serbisyo ng Google. Napapailalim ang Iba pang Serbisyo ng Google sa hiwalay na mga tuntunin at kundisyon bilang karagdagan sa mga tuntunin at kundisyong nilalaman ng Kasunduang ito. Kung ie-enable mo ang access sa pagbabahagi sa ibang user sa pamamagitan ng Site ng Google Domains, puwedeng malapat ang pagbabahagi sa Iba pang Serbisyo ng Google.

    7. Mga Pagbabago.

      1. Para sa Mga Serbisyo. Puwede kaming: (i) pana-panahong magbigay ng mga bagong tool, feature, o functionality sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, at (ii) pana-panahong magdagdag ng mga bagong serbisyo sa kahulugan ng “Mga Serbisyo”, kung saan ang paggamit nito ay puwedeng depende sa iyong pagsang-ayon sa mga karagdagang tuntunin. Kung gagawa kami ng malaking pagbabago sa Mga Serbisyo, ipapaalam namin ito sa iyo, sa kundisyong naka-subscribe ka sa amin para malaman ang tungkol sa naturang pagbabago.

      2. Para sa Kasunduan. Puwede kaming pana-panahong gumawa ng mga pagbabago sa Kasunduang ito kabilang ang mga pagbabagong kinakailangan ng ICANN, ICANN mga patakaran ng consensus o Mga Registry Operator. Kung gagawa kami ng malaking pagbabago, bibigyan ka namin ng abiso tungkol sa naturang malalaking pagbabago. Kung hindi ka sumasang-ayon sa binagong Kasunduan, huminto sa paggamit sa Mga Serbisyo.

  2. MGA TUNTUNIN SA PAGBABAYAD

    1. Mga Bayarin. Babayaran mo ang lahat ng Bayaring dapat bayaran para sa lahat ng serbisyong binili sa Google. Hindi mare-refund ang lahat ng Bayarin maliban na lang kung nakasaad ito sa patakaran sa refund.

    2. Mga Buwis. Responsable ka para sa anumang Buwis, at babayaran mo kami para sa Mga Serbisyo nang walang anumang bawas para sa Mga Buwis. Kung may obligasyon kaming mangolekta o magbayad ng Buwis, isisingil ang Mga Buwis sa iyo, maliban na lang kung bibigyan mo kami ng napapanahon at valid na certificate ng exemption sa buwis na pinapahintulutan ng naaangkop na awtoridad sa pagbubuwis. Kung kinakailangan mong magbayad ng sarili mong mga buwis at magsagawa ng pagsunod ayon sa batas sa ilalim ng mga nalalapat na batas sa pagbubuwis, dapat mo itong gawin sa sarili mong pagkukusa at gastos.

    3. Hindi Kumpletong Pagbabayad. Kung hindi namin maisisingil ang lahat ng Bayarin sa pamamagitan ng iyong napiling paraan ng pagbabayad, o kung nakatanggap kami ng notification tungkol sa chargeback, pag-reverse, di-pagkakasundo sa pagbabayad, o kung may binago kaming parusa para sa anumang bayaring siningil namin noong nakaraan sa iyong napiling paraan ng pagbabayad, puwede naming gamitin ang lahat ng remedyo ayon sa batas para makakuha ng pagbabayad, kabilang ang agarang pagkansela ng anumang Serbisyong nakarehistro o na-renew sa ngalan mo, o pagbabalik ng domain name sa pool ng auction.

    4. Mga Pagbabago sa Presyo. Nakalaan sa amin ang karapatang baguhin ang aming Mga Bayarin anumang oras, at ang mga naturang pagbabago ay ipo-post at magkakabisa kaagad nang hindi nangangailangan ng higit pang abiso sa iyo.

  3. IMPORMASYON NG NAGPAREHISTRO

    1. Proteksyon ng Personal na Data.

      1. Napapailalim ang Mga Serbisyo sa Patakaran sa Privacy ng Google. Magsasagawa kami ng mga makatuwirang pag-iingat para protektahan ang anumang impormasyon sa pakikipag-ugnayan o personal na data na isinusumite mo sa pagkawala, maling paggamit, hindi pinapahintulutang access o paghahayag, pagbabago, o pagkasira.

      2. Hangga't pinapahintulutan ng ICANN at naaangkop na batas, puwedeng gamitin ng Google ang impormasyong available sa publiko na ibinigay mo. Papanatilihin namin ang iyong impormasyon gaya ng idinidirekta ng ICANN Data Retention Specification at anumang patakaran ng consensus ng ICANN.

      3. Kung maghahayag ka ng anumang personal na impormasyon ng third party na indibidwal, isinasaad mo sa amin na naibigay mo ang iyong patakaran sa privacy sa indibidwal na iyon at nakuha mo ang pahintulot ng indibidwal na iyon na maghayag ng personal na impormasyon sa amin, bilang pagsunod sa mga kinakailangan ng naaangkop na batas, sa Kasunduan sa Pagkilala ng Registrar sa ICANN, at anumang patakaran ng consensus ng ICANN.

    2. Impormasyon ng Nagparehistro.

      1. Dapat mong ibigay ang sumusunod na impormasyon para magparehistro ng domain name (“Impormasyon ng Nagparehistro”):

        1. Impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng Nakarehistrong Pangalan, kabilang ang pangalan, postal address, email address, at numero ng telepono ng boses ng May-ari ng Nakarehistrong Pangalan;

        2. Imporasyon sa pakikipag-ugnayan para sa administratibo at teknikal na contact ng Nakarehistrong Pangalan, kabilang ang: pangalan, postal address, email address, at numero ng telepono ng boses, na puwedeng kapareho sa May-ari ng Nakarehistrong Pangalan;

        3. Contact sa pagsingil para sa Nakarehistrong Pangalan.

      2. Puwede mong i-access at baguhin ang Impormasyon ng Nakarehistro sa pamamagitan ng pag-log in sa iyong Google Domains Account.

    3. Pagbibigay ng Impormasyon ng Nakarehistro sa Mga Third Party.

      1. Mga Paghahayag na Kinakailangan ng ICANN.

        1. Kinakailangan ng pagpaparehistro ng domain name ang pagbabahagi ng kumpleto o hindi kumpletong Impormasyon ng Nagparehistro sa nalalapat na Registry Operator at sa ICANN. Gaya ng kinakailangan ng ICANN, ang impormasyong ito ay dapat ding gawing available sa publiko sa pamamagitan ng WHOIS, at puwede ring kailanganin ng Registry Operator na gawing available sa publiko ang impormasyon ito sa pamamagitan ng WHOIS. Puwedeng kailanganin ng Google at Registry Operator na i-archive ang impormasyong ito sa third party na serbisyo ng escrow. Pinapahintulutan at pinapayagan ng Nagparehistro ang lahat ng naturang paghahayag. Higit pa rito, isinasaad at pinatutunayan ng Nagparehistro na, kung nagbibigay ang Nagparehistro ng impormasyon tungkol sa isang third party, naabisuhan ng Nagparehistro ang third party tungkol sa mga kinakailangang paghahayag at layunin ng mga paghahayag at nakuha ng Nagparehistro ang pahintulot ng third party para sa naturang paghahayag.

        2. Puwedeng itaguyod o baguhin ng ICANN ang mga patakaran o alituntuning kaugnay ng dami at uri ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan na puwede namin o dapat naming gawing available sa publiko o mga pribadong entity, at paraan kung paano ginagawang available ang naturang impormasyon.

      2. Mga Third Party na Service Provider. Pinapahintulutan mo ang pagbibigay namin ng ilang Impormasyon ng Nagparehistro sa Mga Third Party na Service provider kung kinakailangan para mabigyang-daan ang pagbibigay sa Mga Third Party na Serbisyo na iyon kung saan ka naka-opt in.

      3. Legal na Proseso. Puwede rin kaming maghayag ng Impormasyon ng Nagparehistro hangga't kinakailangan ng naaangkop na batas o Legal na Proseso.

    4. Serbisyo ng Proxy na Pagpaparehistro. Kung pipiliin mong gumagamit ng serbisyo ng proxy na pagpaparehistro, sa panahon kung kailan naka-enable ang naturang serbisyo at alinsunod sa mga tuntunin at kundisyon ng serbisyo ng proxy na pagpaparehistro, gagawing available sa publiko ng WHOIS ang pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng service provider ng third party na proxy sa pagpaparehistro sa halip na ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Sa naturang kaso, ang serbisyo ng proxy na pagpaparehistro ang magiging May-ari ng Nakarehistrong Pangalan ng record, bagama't napapailalim ka pa rin sa pananagutan para sa paggamit ng Nakarehistrong Pangalan.

  4. ANG IYONG MGA OBLIGASYON

    1. Katumpakan ng Impormasyon

      1. Tumpak at napapanahon dapat ang Impormasyon ng Nagparehistro.

      2. Sa loob ng 5 araw ng negosyo pagkatapos magbago ang anumang Impormasyon ng Nagparehistro o anumang impormasyong ibinigay mo, dapat mo itong itama at i-update.

      3. Kung hindi ka makakasunod sa nakasaad sa itaas o hindi ka makakatugon sa loob ng mahigit 15 araw sa aming mga tanong tungkol sa katumpakan ng iyong impormasyon, may malaki kang paglabag sa Kasunduang ito at puwede naming suspindihin at/o kanselahin ang Mga Serbisyo o ang Google Domains Account mo.

    2. Pagpaparehistro ng Third Party

      1. Kung gusto mong lisensyahan ang paggamit ng isang Nakarehistrong Pangalan sa isang third party, ikaw ang itinuturing na May-ari ng Nakarehistrong Pangalan ng record at nananatili kang responsable para sa pagbibigay at pag-update sa sarili mong kumpletong impormasyon sa pakikipag-ugnayan at tumpak na administratibo at teknikal na impormasyon sa pakikipag-ugnayan para mabigyang-daan ang napapanahong paglutas ng anumang problemang lalabas kaugnay ng Nakarehistrong Pangalan.

      2. Ang May-ari ng Nakarehistrong Pangalan na naglilisensya ng Nakarehistrong Pangalan sa ilalim ng Seksyon 4.b. na ito ay mananagot sa pinsalang sanhi ng maling paggamit ng Nakarehistrong Pangalan, maliban na lang kung ihahayag nito sa loob ng 7 araw ang pagkakakilanlan at kasalukuyang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng tagapaglisensya (ayon sa ibinigay ng tagapaglisensya) sa party na nagbibigay sa May-ari ng Nakarehistrong Pangalan ng makatuwirang ebidensya ng aktwal na pinsala.

      3. Kung magbebenta ka ulit ng mga domain name, aabisuhan mo ang sinumang indibidwal na nakunan mo ng personal na impormasyon tungkol sa patakaran ng ICANN tungkol sa mga posibleng paggamit sa kanyang personal na impormasyon. Dapat ka ring kumuha ng pahintulot, at ebidensya ng pahintulot, mula sa mga indibidwal na iyon para sa naturang paggamit sa personal na impormasyong ibinibigay nila.

  5. PAGLILIPAT NG DOMAIN NAME

    1. Paglilipat sa Iba pang Registrar.

      1. Ang iyong paglilipat ng Mga Nakarehistrong Pangalan ay papamahalaan ng Patakaran sa Paglilipat ng ICANN, kabilang ang Patakaran ng Transfer Dispute Resolution ng Registrar, at Patakaran ng Uniform Domain Name Dispute Resolution, alinsunod sa mga pana-panahong pagbabago sa mga patakarang ito.

      2. Para mailipat mo ang iyong (Mga) Nakarehistrong Pangalan sa isang registrar maliban sa amin (“Gaining Registrar”), dapat mong i-access ang iyong Google Domains Account, i-unlock ang Nakarehistrong Pangalan, at kunin ang EPP “AuthCode” na kinakailangan para maglipat ng Mga Nakarehistrong Pangalan sa isang EPP Registry Operator. Ang mismong paglilipat ay dapat simulan ng Gaining Registrar. Sa ilalim ng Patakaran sa Paglilipat ng ICANN, may sariling proseso ng paglilipat ang bawat registrar at hindi kami responsable para sa anumang isyu sa system ng Gaining Registrar. Kapag nakapagsimula ka na ng kahilingan ng paglilipat sa pamamagitan ng Gaining Registrar, dapat mong aprubahan ang kahilingan.

      3. Hindi ka puwedeng maglipat ng Nakarehistrong Pangalan (i) sa loob ng 60 araw pagkatapos ng unang pagpaparehistro; (ii) sa loob ng 60 araw pagkatapos ng isang paglilipat; (iii) kung may di-pagkakasundo tungkol sa pagkakakilanlan ng May-ari ng Nakarehistrong Pangalan; (iv) kung hindi mo nabayaran ang Mga Bayarin; (v) kung nag-expire na ang Nakarehistrong Pangalan; o (vi) kung napapailalim ang isang Nakarehistrong pangalan sa isang pag-lock dahil sa UDRP, URS, o mga paglilitis sa hukuman.

      4. Kinikilala mong hindi ka namin pagbabawalan sa paglilipat ng iyong Nakarehistrong Pangalan sa iba pang registrar sa loob ng 60 araw pagkatapos ng isang Pagbabago ng Nagparehistro.

      5. Susundin namin ang mga pamamaraan para sa pagkuha at pag-aalis ng mga registrar gaya ng nakabalangkas sa Patakaran sa Paglilipat ng ICANN. Sa panahon ng paglilipat, kung mag-e-expire ang domain name, kakailanganin mong ibalik ang kahilingan ng paglilipat pagkatapos ng pag-renew o pag-redeem ng domain name. Puwedeng ipag-atas sa iyo na magsumite ulit ng kahilingan sa paglilipat kung hindi naisagawa ang pakikipag-ugnayan.

    2. Mga Tala. Ikaw ang magpapanatili sa sarili mong mga talaang naaangkop sa dokumento at magpapatunay sa petsa ng unang pagpaparehistro ng domain name.

    3. Mga Paglilipat sa Google. Puwede rin kaming maglipat ng mga domain name na nakarehistro sa pamamagitan namin mula sa isang registrar o reseller na kinikilala ng third party papunta sa Pagkilala ng Google LLC, o baliktad, para mas mahusay na maibigay ang Mga Serbisyo, o kung hindi, sa sarili naming paghusga.

  6. MGA PAGSASAAD AT PAGPAPATUNAY. Isinasaad at pinatutunayan mo na:

    1. ang lahat ng impormasyong ibinibigay mo kaugnay ng iyong pagkuha sa Mga Serbisyo ay kumpleto at tumpak;

    2. papanatilihing napapanahon ang Impormasyon ng Nagparehistro;

    3. hindi mo ginagamit ang Mga Serbisyo para sa layuning labag sa batas;

    4. ang pagpaparehistro sa Nakarehistrong Pangalan at ang direkta o hindi direktang paggamit sa Mga Serbisyo ay hindi lalabag sa anumang naaangkop na batas o regulasyon, legal na karapatan ng ibang tao, o aming mga panuntunan o patakaran kabilang ang, ngunit hindi nalilimitahan sa:

      1. pagsasagawa ng pag-spam, phishing, o iba pang mapanlokong gawi;

      2. pamamahagi ng malware o iba pang item na may mapaminsala o mapanlokong katangian; o

      3. pagbibigay-daan sa koleksyon ng imahe ng pang-aabusong sekswal sa kabataan o iba pang pananamantala sa mga bata.

  7. PAGSUSPINDE AT PAGKANSELA. Puwede naming tanggihan, suspindihin, o kanselahin ang anumang pagpaparehistro o transaksyon, o puwede kaming maglagay ng anumang domain name sa registry lock, hold, o katulad na status sa sarili naming paghuhusga:

    1. kung lalabag ka sa Kasunduang ito (kabilang ang paglabag sa alinman sa mga pagsasaad at pagpapatunay sa Seksyon 6);

    2. para sumunod sa isang utos ng hukuman, iba pang legal na kinakailangan, o anumang proseso ng paglulutas ng di-pagkakasundo;

    3. para sumunod sa mga detalyeng ginagamit ng anumang grupo sa industriya na karaniwang kinikilala bilang awtoridad kaugnay ng Internet;

    4. kung kinakailangan ng ICANN, isang Registry Operator, o alagad ng batas;

    5. para protektahan ang integridad at stability ng Mga Serbisyo;

    6. kung nagka-error sa proseso ng pagpaparehistro para sa naturang Nakarehistrong Pangalan; o

    7. kung na-disable o winakasan ang iyong Account.

  8. TERMINO

    1. Termino ng Kasunduan. Maliban na lang kung mas maagang wawakasan alinsunod sa Kasunduang ito, mananatiling may bisa ang Kasunduang ito hangga't (a) mayroon kang Nakarehistrong Pangalan sa amin at (b) ang Google LLC ay isang registrar na kinikilala ng ICANN.

    2. Pag-expire ng Nakarehistrong Pangalan. Mag-e-expire ang Nakarehistrong Pangalan sa petsa ng pag-expire na tinutukoy sa Mga Serbisyo, o sa petsang tinutukoy ng nalalapat na Registry Operator o patakaran ng ICANN.

    3. Pagwawakas. Kung lalabag ka sa Kasunduang ito, hindi mo na magagamit ang Google Domains Site at puwede naming wakasan o suspindihin ang iyong Google Domains Account at kanselahin o suspindihin ang alinman sa mga Nakarehistrong Pangalan mo. Puwede naming wakasan ang Kasunduang ito o anumang bahagi o feature ng Mga Serbisyo para sa aming ginhawa anumang oras nang hindi mananagot sa iyo.

  9. PAGLULUTAS SA DI-PAGKAKASUNDO

    1. Napapailalim ka sa lahat ng patakaran ng consensus ng ICANN at lahat ng patakaran ng anumang nauugnay na Registry Operator, na puwedeng pana-panahong baguhin sa pamamagitan ng pag-publish sa website ng ICANN o registry o sa kasunduang ito.

    2. Kinikilala at nauunawaan mo ang at sumasang-ayon ka na pumailalim sa mga sumusunod na dokumento, ayon sa pana-panahong pagbabago ng mga ito, na isinama at ginawang mahalagang bahagi ng Kasunduang ito:

      1. Patakaran ng Uniform Domain Name Dispute Resolution;

      2. Pamamaraan at Mga Panuntunan ng Uniform Rapid Suspension; at

      3. Patakaran ng Transfer Dispute Resolution

    3. Sa mga di-pagkakasundong magmumula o nauugnay sa paggamit ng Nakarehistrong Pangalan, magpapasakop ka sa mga hukuman ng mga sumusunod na hurisdiksyon (nang walang paghuhusga sa iba pang potensyal na nalalapat na hurisdiksyon):

      1. kung saan ka nakatira;

      2. Mountain View, CA, USA; o

      3. sa lokasyon ng Registry Operator.

    4. Para maglutas ng mga pagkakamali sa pagpaparehistro ng Nakarehistrong Pangalan o mga di-pagkakasundo tungkol sa Nakarehistrong Pangalan, ang iyong pagpaparehistro ng Nakarehistrong Pangalan ay puwedeng napapailalim sa pagkansela o paglilipat sa ilalim ng anumang detalye o patakarang ginagamit ng ICANN, o sa ilalim ng anumang registrar o pamamaraan ng Registry Operator na hindi tumutugma sa isang detalye o patakarang ginagamit ng ICANN.

    5. Kung maaabisuhan kami na may inihaing reklamo sa isang ahensya ng pamahalaan, administratibong ahensya, o hukuman, tungkol sa isang Nakarehistrong Pangalan, puwede kaming magsagawa ng anumang pagkilos na itinuturing naming kinakailangan sa sarili naming paghuhusga at nang hindi mananagot sa iyo tungkol sa pagbabago, pagtatalaga, o kontrol ng Nakarehistrong Pangalan para sumunod sa mga kinakailangan ng ahensya ng pamahalaan, administratibong ahensya, o hukuman hanggang malutas ang di-pagkakasundo.

  10. MGA KARAPATAN SA INTELEKTWAL NA ARI-ARIAN. Maliban sa mga karapatang hayagang itinatakda sa Kasunduang ito, walang ibinibigay ang Kasunduang ito sa parehong party na anumang ipinapahiwatig o iba pang karapatan sa intelektwal na ari-arian ng iba, kabilang ang anumang content.

  11. DISCLAIMER. MALIBAN KUNG HAYAGANG ITINATAKDA SA KASUNDUANG ITO, HANGGA'T PINAPAHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, KAMI AT ANG AMING MGA SUPPLIER AY HINDI NAGBIBIGAY NG ANUMANG URI NG ANUPAMANG WARRANTY, HAYAGAN, IPINAPAHIWATIG, AYON SA BATAS, O ANUPAMAN, KABILANG ANG MGA WARRANTY SA KAKAYAHANG MAIKALAKAL, KAAKMAAN PARA SA ISANG PARTIKULAR NA PAGGAMIT, AT HINDI PAGLABAG. HINDI KAMI RESPONSABLE NG AMING MGA SUPPLIER PARA SA PAG-DELETE O HINDI PAG-STORE NG ANUMANG CONTENT AT IBA PANG PAKIKIPAG-UGNAYANG PINAPANATILI O IPINAPADALA SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG MGA SERBISYO. HINDI NAMIN GINAGARANTIYA NG AMING MGA SUPPLIER NA WALANG ERROR O HINDI MAAANTALA ANG MGA SERBISYO. ANG MGA SERBISYO AY HINDI IDINISENYO, GINAWA, O NILALAYON PARA SA MGA NAPAKAPANGANIB NA AKTIBIDAD.

  12. PAGBABAYAD-DANYOS. Iyong ipagtatanggol, babayaran ng danyos, at hindi ipapahamak ang Google at ang Registry Operator at kanilang mga subcontractor, at kani-kanilang direktor, opisyal, empleyado, ahente, at affiliate, mula at laban sa anuman at lahat ng habolclaim, pinsala, sagutin, bayarin, at gastos (kabilang ang mga makatuwirang legal na bayarin at gastos) na magmumula o nauugnay sa:

    1. iyong pagpaparehistro ng Nakarehistrong Pangalan at paggamit ng Mga Serbisyo;

    2. paggamit sa Nakarehistrong Pangalan na labag sa Kasunduang ito; o

    3. iyong paglabag sa anumang karapatan ng third party, kabilang ang mga karapatan sa intelektwal na ari-arian.

  13. LIMITASYON NG SAGUTIN.

    1. Limitasyon sa Hindi Direktang Sagutin. HANGGA'T PINAPAHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, KAMI AT ANG AMING MGA SUPPLIER, AY HINDI MANANAGOT SA ILALIM NG KASUNDUANG ITO PARA SA MGA NAWALANG KITA, O DATA, PINANSYAL NA PAGKAWALA O HINDI DIREKTA, ESPESYAL, NAGKATAON, KINAHIHINATNAN, HUWARAN, O PAMPARUSANG PINSALA, KAHIT NA NALALAMAN NAMIN O DAPAT NALALAMAN NAMIN NA PUWEDENG MANGYARI ANG MGA NATURANG PINSALA AT KAHIT NA WALANG MAKUKUHANG REMEDYO ANG MGA DIREKTANG PINSALA.

    2. Limitasyon sa Halaga ng Sagutin. HANGGA'T PINAPAHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, ANG KABUUANG SAGUTIN PARA SA AMIN AT AMING MGA SUPPLIER AT DISTRIBUTOR PARA SA ANUMANG HABOL SA ILALIM NG KASUNDUANG ITO, KABILANG ANG PARA SA ANUMANG IPINAPAHIWATIG NA WARRANTY, AY NALILIMITAHAN SA ALINMAN ANG MAS MABABA SA (I) HALAGANG IBINAYAD MO PARA MAGAMIT ANG MGA SERBISYO SA LOOB NG LABINDALAWANG BUWAN BAGO ANG EVENT NA NAGSANHI SA SAGUTIN O (II) US$5,000.

    3. Mga Exception sa Mga Limitasyon. Hindi nalalapat ang mga limitasyong ito sa mga paglabag ng isang party sa Mga Karapatan sa Intelektwal na Ari-arian ng isa pang party, mga obligasyon sa pagbabayad-danyos, o iyong mga obligasyon sa pagbabayad.

  14. MGA PROBISYONG NALALAPAT SA PAGPAPAREHISTRO NG MGA PARTIKULAR NA TLD. Napapailalim ang pagpaparehistro ng ilang partikular na TLD sa pagsunod sa mga karagdagang tuntuning itinatakda sa https://domains.google.com/tos na puwedeng pana-panahong ma-update.

  15. IBA PA.

    1. Mga Abiso. Nakasulat dapat sa wikang English ang lahat ng abiso at naka-address dapat ang mga ito sa legal department at pangunahing contact ng kabilang party. Ang email address para sa mga abisong ipinapadala sa Legal Department ng Google ay legal-notices@google.com. Ituturing ang abiso na naibigay sa pagtanggap, gaya ng na-verify sa pamamagitan ng nakasulat o awtomatikong pagtanggap o sa pamamagitan ng elektronikong log (kung naaangkop).

    2. Pagtatalaga. Hindi mo puwedeng italaga ang anumang bahagi ng Kasunduang ito nang wala ang aming paunang nakasulat na pahintulot.

    3. Akto ng Diyos. Wala sa alinmang party ang mananagot para sa pagpalya o pagkaantala sa performance hangga't dulot ang mga ito ng mga sitwasyong hindi na saklaw ng makatuwirang pagkontrol dito.

    4. Walang Pagsusuko. Wala sa alinmang party ang ituturing na nagsuko ng anumang karapatan sa pamamagitan ng hindi paggamit (o pag-antala sa paggamit) ng anumang karapatan sa ilalim ng Kasunduang ito.

    5. Walang Ahensya. Hindi bumubuo ang Kasunduang ito ng anumang ahensya, pagsososyo, o joint venture sa pagitan ng mga party.

    6. Mga Nakikinabang ng Third Party. Ang Registry Operator para sa iyong Nakarehistrong Pangalan ang magiging nilalayong nakikinabang ng third party ng Kasunduang ito. Dahil dito, kinikilala ng mga party sa kasunduang ito at sumasang-ayon sila na naitakda na ang mga karapatan ng nakikinabang ng third party ng Registry Operator at umasa ang Registry Operator sa mga karapatan ng nakikinabang ng third party nito sa ilalim ng Kasunduang ito. Magpapatuloy ang mga karapatan ng nakikinabang ng third party ng Registry Operator pagkatapos ng anumang pagwawakas ng Kasunduang ito.

    7. Severability. Kung invalid, ilegal, o hindi maipapatupad ang anumang tuntunin (o bahagi ng tuntunin) ng Kasunduang ito, mananatiling may bisa ang iba pang bahagi ng Kasunduan.

    8. Sumasaklaw na Batas. ANG LAHAT NG HABOL NA MAGMUMULA O NAUUGNAY SA KASUNDUANG ITO O SA MGA SERBISYO AY SASAKLAWIN NG BATAS NG CALIFORNIA, BUKOD SA MGA PANUNTUNAN SA PAGSASALUNGAT NG MGA BATAS NG ESTADONG IYON, AT EKSKLUSIBONG LILITISIN SA MGA PEDERAL NA HUKUMAN O HUKUMAN NG ESTADO NG SANTA CLARA COUNTY, CALIFORNIA, USA; IPINAPAHINTULOT NG MGA PARTY ANG PERSONAL NA HURISDIKSYON SA MGA HUKUMANG IYON.

    9. Patas na Lunas. Walang anuman sa Kasunduang ito ang maglilimita sa kakayahan ng magkabilang party na kumuha ng patas na lunas.

    10. Pagpatuloy. Magpapatuloy ang mga sumusunod na seksyon pagkatapos ng pag-expire o pagwawakas ng Kasunduang ito: 3.c. (Pagbibigay ng Impormasyon ng Nagparehistro sa Mga Third Party), 6 (Mga Pagsasaad at Pagpapatunay), 10 (Mga Karapatan sa Intelektwal na Ari-arian), 11 (Disclaimer), 12 (Pagbabayad-danyos), 13 (Limitasyon ng Sagutin), at 15 (Iba pa).

    11. Buong Kasunduan. Sinasapawan ng Kasunduang ito ang lahat ng iba pang kasunduan sa pagitan ng mga party kaugnay ng paksa nito. Sa pagpasok sa Kasunduang ito, wala sa alinmang party ang umasa sa, at wala sa alinmang party ang magkakaroon ng anumang karapatan o remedyo batay sa, anumang pahayag, pagsasaad, o pagpapatunay (nagawa man sa kapabayaan o pagkainosente), maliban sa mga hayagang itinakda sa Kasunduang ito. Ang Mga Tuntunin ng URL (ayon sa pana-panahong pagbabago) ay isinasama sa Kasunduang ito sa pamamagitan ng pagbanggit. Puwede kaming magbigay ng na-update na URL kapalit ng anumang URL sa Kasunduang ito.

MGA PAGPAPAKAHULUGAN

Tumutukoy ang “Account” sa iyong Google account.

Tumutukoy ang “Pagbabago ng Nagparehistro” sa pagbabago sa pangalan, organisasyon, email address ng nagparehistro o administratibong email address sa pakikipag-ugnayan kung walang email address ng nagparehistro.

Tumutukoy ang “Mga Bayarin” sa mga nalalapat na bayarin para sa Serbisyo, Mga Third Party na Serbisyo, at Iba pang Serbisyo ng Google.

Tumutukoy ang “Google Domains Account” sa iyong account para sa Google Domains.

Tumutukoy ang “Site ng Google Domains” sa website ng Google Domains.

Tumutukoy ang “ICANN” sa Internet Corporation for Assigned Names and Numbers.

Tumutukoy ang “Patakaran sa Paglilipat ng ICANN” sa patakaran ng ICANN sa https://www.icann.org/transfers/.

Tumutukoy ang “Mga Karapatan sa Intelektwal na Ari-arian” sa mga karapatan sa buong mundo sa kasalukuyan at sa hinaharap sa ilalim ng mga batas sa patent, copyright, trade secret, trademark, at mga karapatang moral, at iba pang katulad na karapatan.

Tumutukoy ang “Legal na Proseso” sa kahilingan ng paghahayag ng data na ginagawa sa ilalim ng batas, regulasyon ng pamahalaan, utos ng hukuman, subpoena, warrant, kahilingan ng regulasyon o ahensya ng pamahalaan, o iba pang valid na legal na awtoridad, legal na pamamaraan, o katulad na proseso.

Tumutukoy ang “Iba pang Serbisyo ng Google” sa mga serbisyo ng Google maliban sa Mga Serbisyong ibinibigay sa pamamagitan ng Site ng Google Domains at mga serbisyong napapailalim sa mga hiwalay na tuntunin at kundisyon.

Tumutukoy ang “Nakarehistrong Pangalan” sa domain name sa loob ng isang TLD na nasasaklawan ng Kasunduang ito, binubuo man ng dalawa o higit pang (hal., john.smith.name) antas, kung saan nagpapanatili ang isang Registry Operator (o affiliate na kinuha para magbigay ng mga serbisyo ng registry) ng data sa isang database ng Registry, nagsasaayos ito para sa naturang pagpapanatili, o kumikita ito mula sa naturang pagpapanatili.

Tumutukoy ang “May-ari ng Nakarehistrong Pangalan” sa may-ari ng isang Nakarehistrong Pangalan.

Tumutukoy ang “Registry” o “Registry Operator” sa tao o entity na responsable para sa pagbibigay ng mga serbisyo ng registry para sa partikular na TLD alinsunod sa isang kasunduan sa pagitan ng ICANN (o assignee nito) at ng tao o entity na iyon o, kung magwawakas o mag-e-expire ang kasunduang iyon, alinsunod sa isang kasunduan.

Tumutukoy ang “Mga Serbisyo” sa mga serbisyo ng pagpaparehistro ng domain name na available sa pamamagitan ng Site ng Google Domains.

Tumutukoy ang “Mga Third Party na Serbisyo” sa mga karagdagang serbisyong ibinibigay ng mga third party, kabilang ang mga serbisyong nagrerehistro ng mga TLD kung saan hindi kinikilalang registrar ang Google LLC, at mga serbisyong nagbibigay ng pribado o proxy na pagpaparehistro.

Tumutukoy ang “TLD” sa pinakamataas na antas ng domain ng system ng domain ng Internet.

Tumutukoy ang “Mga Tuntunin ng URL” sa anumang tuntuning itinatakda sa Mga URL na nakalista sa Kasunduang ito.

Tumutukoy ang “WHOIS” sa pagpapakita o pamamahagi sa publiko ng Impormasyon ng Pagpaparehistro ng Google sa ilalim ng mga kinakailangan at patakaran ng consensus ng ICANN.