Notification ng Privacy ng Google Payments

Huling binago noong 18 Nobyembre 2024

Inilalarawan sa Patakaran sa Privacy ng Google kung paano namin pinapangasiwaan ang personal na impormasyon kapag ginagamit mo ang mga produkto at serbisyo ng Google. Kung wala ka pang 18 taong gulang, makakakita ka ng mga karagdagang resource sa Gabay sa Privacy para sa Teenager ng Google.

Ang Google Payments ay iniaalok sa mga may-ari ng Google Account, at ang paggamit mo nito ay napapailalim sa Patakaran sa Privacy ng Google. Bukod pa rito, inilalarawan ng Notification ng Privacy na ito ang mga kagawian sa privacy ng Google na partikular sa Google Payments.

Ang paggamit mo ng Google Payments ay nasasaklawan ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Payments, na mas nagdedetalye sa mga serbisyong nasasaklawan ng Notification ng Privacy na ito. Makikita ang kahulugan ng mga terminong nagsisimula sa malaking titik, na hindi inilalarawan sa Notification ng Privacy na ito, sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Payments.

Nalalapat ang Notification ng Privacy ng Google Payments sa mga serbisyong iniaalok ng Google LLC o mga subsidiary na buong pinagmamay-arian nito, kabilang ang Google Payment Corp. ('GPC'). Sumangguni sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Payments na ginawang available sa iyo sa serbisyo para malaman kung aling subsidiary ang nag-aalok ng serbisyo.

Impormasyong kinokolekta namin

Bukod sa impormasyong nakalista sa Patakaran sa Privacy ng Google, puwede rin naming kolektahin ang mga sumusunod:

Impormasyon ng pagpaparehistro

Kapag nag-sign up ka para sa Google Payments, gumagawa ka ng profile sa mga pagbabayad sa Google na nauugnay sa iyong Google Account. Depende sa mga ginagamit mong serbisyo ng Google Payments, bilang karagdagan sa impormasyong nakalista sa Patakaran sa Privacy ng Google, posibleng hilingin sa iyong magbigay ng impormasyon, gaya ng:

Sa ilang pagkakataon, posibleng hilingin din namin sa iyo na magpadala sa amin ng karagdagang impormasyon o sumagot ng mga karagdagang tanong para makatulong sa pag-verify ng impormasyon o pagkakakilanlan mo. Panghuli, kung magpaparehistro ka ng account sa pagsingil ng carrier o operator, hihilingin namin sa iyo na bigyan kami ng ilang partikular na impormasyon tungkol sa account ng carrier o operator mo.

Sino-store ang iyong impormasyon sa pagpaparehistro kaugnay ng Google Account mo, at iso-store sa mga server ng Google ang iyong pagpaparehistro ng paraan ng pagbabayad. Puwede ring ma-store sa iyong mobile device ang ilang partikular na uri ng data.

Impormasyong nakuha mula sa mga third party

Puwede kaming kumuha ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa mga third party, kabilang ang mga third-party na serbisyo ng pag-verify. Kabilang dito ang:

Para rin sa mga nagbebenta, puwede kaming kumuha ng impormasyon tungkol sa iyo at sa negosyo mo mula sa isang credit bureau o serbisyo sa impormasyon ng negosyo.

Impormasyon ng transaksyon

Kapag ginamit mo ang Google Payments para magsagawa ng transaksyon, puwede kaming mangolekta ng impormasyon tungkol sa transaksyon, kabilang ang:

Paano namin ginagamit ang impormasyong kinokolekta namin

Bilang karagdagan sa mga paggamit na nakalista sa Patakaran sa Privacy ng Google, ginagamit namin ang impormasyong ibinibigay mo sa amin, sa Google Payment Corp. (GPC), o sa iba pa naming subsidiary, pati ang impormasyon tungkol sa iyo mula sa mga third party, para:

Puwede naming panatilihin ang impormasyong ibinibigay mo sa buong panahon ng paggamit mo ng Google Payments, at sa loob ng karagdagang period kung kinakailangan para sumunod sa aming mga obligasyon ayon sa batas at regulasyon.

Impormasyong shine-share namin

Shine-share lang namin ang iyong personal na impormasyon sa iba pang kumpanya o indibidwal sa labas ng Google sa mga sumusunod na sitwasyon:

Mga halimbawa kung kailan posibleng i-share ang impormasyon:

Ang impormasyong kinokolekta namin, kabilang ang impormasyong nakuha mula sa mga third party, ay posibleng i-share sa aming mga affiliate, na nangangahulugang iba pang kumpanyang pagmamay-ari at kontrolado ng Google LLC. Gagamitin ng aming mga affiliate, na puwedeng mga pinansyal o hindi pinansyal na entity, ang naturang impormasyon para sa mga layunin gaya ng inihahayag sa Notification ng Privacy na ito at sa Patakaran sa Privacy ng Google, kabilang na ang kanilang mga pang-araw-araw na layunin sa negosyo.

Binibigyan ka namin ng karapatang mag-opt out sa ilang partikular na pag-share sa pagitan ng GPC at mga affiliate nito, kung naaangkop. Sa partikular, puwede kang mag-opt out sa:

Puwede mo ring piliing mag-opt out sa pagbibigay-alam ng Google LLC o mga affiliate nito sa third-party na merchant, na nagmamay-ari sa site o app na binibisita mo, kung mayroon kang profile sa mga pagbabayad sa Google na magagamit para magbayad sa pamamagitan ng site o app ng merchant na iyon.

Kung pipiliin mong mag-opt out, magkakabisa ang pinili mo hanggang sa sabihin mo sa aming baguhin ang iyong pinili.

Kung ayaw mong mag-share kami sa GPC at mga affiliate nito ng personal na impormasyon tungkol sa iyong creditworthiness, o kung ayaw mong gamitin ng aming mga affiliate ang iyong personal na impormasyong nakolekta namin at na-share sa kanila para mag-market sa iyo, o kung ayaw mong ipaalam ng Google LLC o mga affiliate nito sa third-party na merchant, na nagmamay-ari sa site o app na binibisita mo, kung mayroon kang profile sa mga pagbabayad sa Google, pakisaad ang iyong preference sa pamamagitan ng pag-log in sa account mo at pagpunta sa iyong mga setting ng privacy sa Google Payments para i-update ang mga preference mo sa privacy.

Hindi namin ishe-share ang iyong personal na impormasyon sa sinumang nasa labas ng GPC o sa aming mga affiliate, maliban sa paraang inilalarawan sa Notification ng Privacy na ito o sa Patakaran sa Privacy ng Google. Ang Google Payments ay isang produktong iniaalok sa mga may-ari ng Google Account. Hindi maaapektuhan ng mga probisyon sa pag-opt out sa Notification ng Privacy na ito ang data na ibibigay mo sa Google LLC para sa layunin ng pag-sign up para sa isang Google Account.

Pagpapanatiling secure ng iyong impormasyon

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa aming mga kasanayan sa seguridad, pakitingnan ang pangunahing Patakaran sa Privacy ng Google.

Nakadepende ang seguridad ng iyong profile sa mga pagbabayad sa Google sa kakayahan mong panatilihing kumpidensyal ang (mga) password, PIN, at iba pang impormasyon sa pag-access ng iyong account para sa Serbisyo:

Hindi nasasaklawan ng Notification ng Privacy na ito ang anumang impormasyong direkta mong ibinibigay sa isang third-party na merchant, website, o application. Hindi kami responsable para sa mga kasanayan sa privacy o seguridad ng mga merchant o iba pang third party kung kanino mo pinipiling direktang ibahagi ang iyong personal na impormasyon. Hinihikayat ka naming suriin ang mga patakaran sa privacy ng anumang third party kung saan mo pinipiling direktang i-share ang iyong personal na impormasyon.

© 2024 Google – Google Home Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Mga Nakaraang Notification ng Privacy